top of page

Pagbasa at Pagsulat

Anchor 1

Tuwid na Daan Nasaan ka na?

Ang ating buhay ay masariling landas, bawat isa ay may tinatahak. Ang bawat hakbang natin  sa buhay ay may papatunguhan. Ngunit paaano kung ang daang ating tinatahak ay maaring magbuwis ng buhay

Ang daan ay nagsisilbing patnubay sa atin, lalo na sa mga bata kung saan kailangan ng gabay. Kaya kailangan ng maganda at tuwid na daan ang kanilang nakikita. Pero paano kung sa mga mataanda at namamahala nagsisimula ang balikong daan?

Ang bawat daanan ay dapat tuwid at may landas, ngunit kahit na patuloy parin ang pagpapaganda ay may naiiwang mga bakas ng pagkakasala. Ito ay nagsisislbing hadlang sa mga bata na gustong magaral, sila ang naapektuhan sa pagkuha ng pondo ng bayan. Siguro, kung sila lamang ay may kakahayang makaangal, Ito ay titigil na!

Ang epekto ng pagkuha sa pondo ng bayan ay nagdudulot ng kalituhan sa magaaral. Maaari silang lumihis ng daan, kung saan sila ay uunlad o sa daang magliligaw sa tama. Kung saan ito ay magdudulot ng problema sa bayan.  

Isa sa problema ng bansa ang mga korapsyon na nagsisimula sa ating pamahalaan, kung saan ang iniisp nila ay ang sariling buhay lamang. Nagiisip sila kung saan ito ay nasa loob lamang ng kahong parisukat.

Ang mga nasa gobyerno ay patuloy lamang lumalago sa kadahilanan ng korapsyon. Ang mahihirap ay nanatiling kulang at nagpapatuloy ang buhay ng hindi man lang napapansin.

Ang gobyerno ay nagsisilbing nakakulong sa isang mundong sila lamang ang nagpapalago. Parang kahoy nakatayo at patuloy sa pagangat, ngunit ang mahihirap ay nagsisilbing lupa na hindi tinubuan ng damo upang lumago sa kanilang buhay.

Ang bitak sa pagitan ng mahihirap at sa gobyerno ay magpapatutuloy kung ito ay hindi man lamang mapapansin. Maging dahilan ito ng seperasyon ng tao sa kanyang bansa.

Ang tuwid na daan ay kinakailangan ng ating bansa. kung saan ang baweat taong daraan dito ay may patutunguhan at tuwid ang landas. Ito ang nagsisilbing gabay ng kabataan tungo sakanilang pangarap.

bottom of page