top of page
Anchor 1

ng  Paglalakbay  na  Magdadala sa  Katotohanan ng  Buhay

Noong ako ay nasa baitang 8 sa edad na 13, kami ay nagkaroon ng "service"  ito ay tinatawag na oratory. Kung saan ang lugar na aking pinuntahan ay sa Guinting. Ang aming ginagawa ay pumunta ng simbahan, upang maghatid ng mabuting balita ng Diyos. Nakikipaglaro din kami sa mga bata, nagtuturong gumuhit at magkulay. Naging kasama ko si ate Dean at Iya. Ito ay ginagawa lamang namin tuwing araw ng linggo. Inalalaan namin ang isang araw ng pahinga upang makasama namin ang mga bata na mas kailangan ng gabay. 

Dahil sa aking karanasan sa oratoryo ay masaya at punong-puno ng aral, hindi ko pinalampasa ang isang pagkakataon upang sumama muli sa oratoryo. Noong ako ay na sa baitang 9 sa edad 14, ako ay pumili ng lugar kung saan pwede akong pumunta. Pinili ko ang aking lugar kung saan ito ay sa Casile. Pinili ko ito dahil nais ko maranasan ang makahalibilo sa kanila na ang pinaguusapan ay Diyos. Nagkaroon din kami ng Isang Pasko, Isang Pamilya kung saan kami ay maghahatid ng pasko sa loob ng tahanan ng isang pamilya. Ang aking naging kasama ay si Alliah Averilla, aming binibisita ang pamilya Girin na sa amin ay nakaatas. Kami ay nakipagkwentuhan at nagtanong ng kanilang buhay. Sa hindi namin inaasahan si ate Mary ay nagkwento ng kanyang buhay. Mula sa kanyang unang asawa at pangalawang asawa. Naiyak ako sa narinig ang lungkot ng kanyang buhay ngunit siya ay nanatilig matatag. Ako ay napahanga sa kanya simula ng araw na iyon. 

Sa pagtungtong ko sa baitang 10 kami ay may panibagong serbisyong proyekto sa CLE. Kami ay pumupunta ng San Ramon upang magturo ng tungkol sa DIyos, sa mga batang na sa baitang 2 sa aking karanasan ako ay sinubok ng mahabang pasensya. Naranasan ko dito ang magalit, sumigaw dahil ito lamang ang bagay na tanging pinakikinggan ng mga bata. Ngunit sa aking pagiisip ay hindi tama ang aking ginagawa, kahit naririnig ako ng pagayaw ng mga bata sa aming tatlo na nagtuturo. Umisip ako ng paraan kinausap ko ang isang bata na nagsabi sa amin ng "ayaw" kinuha ko ang loob ng bata na ito at hindi nagtagal ay nagkasundo kami. Dahil rito ay natutunan ko ang mahabang pasensya ng isang guro mula sa mga pasaway at makukulit na magaaral.

Sa pagbabalik namin sa Casile para sa Isang Pasko, Isang Pamilya noong 2016, Dahil ito na ang huli tinamad ako pumunta, ngunit naisip ko na noon ako ay masayang tumutulong dahil nakhahalubilo sa ibat- ibang tao. Pinilit ako ni Alliah na pumunta at sa pagpunta namin ay sobrang saya ng pamilya Girin at Ayende ng kami ay muling makita. Natuwa ako, iba talaga ang pakiramdam kapag nagpapangiti kami. Nagbigay din kami ng regalo ng pwedeng makatulong sakanila. Habang kami ay naglalakad ni Aliiah papuntang sasakyan, kami ay nagkwentuhan. Napagtanto ko na ang laki ng tulong sa akin ng oratoryo, naging malapit ako sa Diyos at natuto makihalubilo sa taong nakapaligid sa akin. Sa bawat pagsubok ng aking nararanasan ay naalala ko lagi ang ginagawa ni Ate Mary Ann na ngumiti at maging malakas dahil kahit anong pagsubok sa buhay ay lampasan ng may kasamang ngiti

bottom of page